Ewan ko ba ah, this has nothing to do with me but with my friends' situation. I'm not an expert of love, or even a love guru, pero alam ko naman pag hindi na tama yung ginagawa ng guy.
I won't name my friends' name pero I'll share a little bit about them.
I have one friend na nasa long distance relationship Personally, di ako fan ng mga ganoon, kasi based sa observations ko at sa mga naririnig ko, siguro mga 5% lang ng lahat ng LDR ang successful, 95% ang hindi successful. Syempre isipin din naman na hindi lang love ang kailangan ng isang relationship, marami pa yang components. Parang car na hindi lang naman gas ang kailangan para gumana ng maayos sa loob ng mahabang panahon. Ayun, nalulungkot lang ako sa tuwing lalapit sya sakin at sasabihin nya ang problema nya dun sa guy. Di ko naman alam ang sasabihin ko kasi ayoko nga ng LDR dba. Although naexperience ko na yan, at nabilang yun sa 95% na tinutukoy ko kanina. Mahirap din kasi magtiwala ng sobra lalo na kung di naman kayo madalas magkita or minsan lang sa isang taon kayo magkita. Ewan ko ba, di naman sa bad friend ako pero sinabihan ko sya na makipagbreak na before kasi may ginawa yung guy na sobrang nasaktan sya. Nagbreak sila pero nagkabalikan din.And then, ngayon nagsasabi sya sakin na nahihirapan sya magtiwala dahil sa may nagawa na nga yung guy, haaaaaay buhay, di ko na alam gagawin dun sa friend ko na yun.
Then may isa pa kong friend na kanina lang eh nag walk out yung guy na kafling nya for no reason. Anyway, bipolar naman yun eh hehe. Kung ako sa tropa ko, wag ng pansinin yun kasi naman masyadong malakas ang sapak sa utak, di malaman ang gusto. Maraming guys dyan na mas deserving sakanya. Hindi lang yun yung guy na kilala nya or makikilala nya.
I'm not a man hater, pero nakakalungkot lang talaga yung mga nangyayari sa kanila. Diba, love should be wonderful. Dapat masaya, eh bakit ganun?
I dreamed of a happy life with a guy who I love. Hindi pa ata sya dumadating pero God's will kung kelan at paano sya dadating sa buhay ko. Pag dumating na sya, mararamdaman ko naman yun kasi kahit sya lang, I will feel happy, satisfied or contented sa buhay.
:)
Comments
Post a Comment