Skip to main content

One-Seventeen-Fourteen

Hello blog! Eto na naman ako sa pagkwento ng mga pangyayari sa aking buhay. Well, di ko nga alam kung ano pumasok sa isip ko at napa-blog ako ngayon. Siguro sa fact na masakit ang legs ko ngayon at di ako makatulog dahil dito, then isa din dahil ang lamig dito sa kwarto kahit nasa 24 na ang temp ng aircon at ang huli na siguro ay dahil wala akong kasama sa kwarto ngayon. O siguro dahil wala lang akong makausap ng mga nangyari sakin sa araw na to. Bored? Ewan, basta habang nagssoundtrip ako dito, magkkwento nalang ako.....

Ayun, so masasabi ko naman na naging productive ang araw ko ngayon. Nagising ako around 8 or 9 ng umaga pero di pa ko kumilos agad, medyo masakit kasi ulo ko dahil sa feasib na ginagawa namin. Nakarating na ko sa school kanina ng mga 10:30? Di ko sure kung anong exact time pero siguro mga ganyang time. Pagdating ko sa room, busy lahat, except syempre ang tropang kulay na parang petiks lang HAHAHA. Anyway, ang tropang kulay daw ang magttropa na may kulay ang buhok at ang lider ng grupo ay tawagin nalang natin sa pangalang "chedeng". Soooo.... eto na, edi halos lahat ng group may mga laptop, tapos kanya-kanyang edit sa mga feasib kasi ngayong araw yung first reading ng feasib namin. So lahat kabado, eh madami pa kaming blanko, pati na din yung ibang grupo. Pero ok naman, nairaos naman ang first reading. Second reading ang matindi, pero next week pa naman sya. 

Kanina para akong sira, umakyat ako dun sa 5th floor para hanapin yung room nung isa kong prof, tapos nung nakita ko na yung room, then nakita ko din na nandun nga yung prof ko na yun, nandun lang ako sa labas ng pinto, hindi ako makakatok, kasi parang ang bastos naman din nun dba? Nagkklase sya sa iba then mageexcuse ako bigla para magpapirma. So, as in nandun ako sa labas ng pinto, guro mga 5 minutes, nagiisip kung papasok o hindi. May nakakita pa nga sakin na dalawang studyante dun, kala siguro baliw ako dun, kasi kinakausap ko yung sarili ko. Well, after 5 minutes, naisip ko na bumalik nalang ng room.

Tapos natapos yung first class, diretcho naman ako sa next class ko, wala ng kain kain, gora na agad. (biglang tumugtog yung before the worst) Pagdating ko dun sa room, wala pa naman yung prof pero yung ibang mga kaklase ko nandun na. Kinakabahan ako nun kasi reporting kami nun, eh ako daw yung magsasalita, heller, english ang peg ni prof. Eh ayun, naghintay kami ng matagal, akalain mo ba naman na kami ang last na group, yung tipong overtime na pero push pa din. Ayun, sabi ng prof namin, kami daw ang strongest group na nagreport, whoooppeeeee. Kakatuwa kaya, super english kasi ako nun kaya tuwang-tuwa ako. 

Then, after nung class, diretcho ako baba, then may inasikaso lang, then natapos din naman. Tapos meeting naman after, halos lahat ng org nandun, kelangan daw umattend kaya go lang. Inabot na din kami ng gabi sa meeting. Then ayun, may nagyaya ng sine, goooo push lang. Sine naman kami after, girl ang nagyaya ah, hindi guy, baka ano na naman isipin eh hahaha. Eh ayun, eto ko ngayon dito sa bahay, late na nakauwi pero wala pa ding kasama.

Gusto ko na nga sana matulog pero di talaga ko makatulog eh, di ko lam kung bakit. Pero sabi nila, pag di ka daw makatulog, ibig sabihin may nag-iisip sayo. Totoo kaya yun??? Hay nako, kung sino man sya, pwede kayang bukas nya na ko isipin, magpatulog din naman diba. 

Random lang, pero gusto ko pumunta ng malayong lugar, then magstay dun ng isang buwan, gusto ko lang mag isip isip. Gusto ko ng stress-free days sana, kahit isang buwan lang. Pag nagkaron ako ng genie, yun una kong iwwish, swear! 

Hmmm. . . sinabi ko sasarili ko na 2 weeks akong di magpapaload, paninindigan ko yun talaga. Eh nasasayang din naman unli kung wala ding kausap diba. Actually, ngayon hindi ako naghahanap ng karelasyon, ang gusto ko lang talaga ngayon, kausap. Yung kausap na anytime mong makakausap, or pag may problema ka, sakanya mo sasabihin, yung mga ganung bagay. Yung mga hindi mo masabi sa iba, sakanya mo sasabihin. Yung ganun lang, sapat na.

Ano pa kaya?? Siguro matutulog na ko. Gagawan ko nalang ng paraan yung legs ko. Eh basta bahala na. Sige, babush :))





Comments

Popular posts from this blog

Been a long time

Hi guys, It's been a long time since I posted any topic on my blog. As a matter of fact, before posting this one, I revisited all old posts and just laughed at my mini adventures before. I know that you noticed that there are many poems or short literary works I have been posting, sometimes the words just come to me. Planning on writing a song soon but still finding inspiration. Any suggestions? A lot has been happening lately. I feel like it's because I'm getting near my quarter life. Do you know the feeling of being too tired too early. I don't know if this the universe forcing me to adulthood. Everything is happening so fast but I still want to do MORE! I don't know if I'm being millenial here but it's just so CONFUSING. It's like every decision I make, I face this consequence. I remembered a friend wishing that we could all go back to being a child where all the decisions came from our parents, that we have nothing to worry about, we just need to...

Please Don't

(I wrote this a few years ago) Please don't tell me you love me, If you still love her. Please don't stay, So one gets hurt. Please don't kiss me, Then think of her lips. Please don't hold my hand, Then pretend that everything's fine. Please don't cry, If those tears are not from your heart. Please don't look me in the eye, Then see her eyes shine upon you. Please don't love me if you don't.

Pakinggan

Ako’y naliligaw, nalulunod, Hindi makahinga. Hindi alam kung saan magsisimula, Walang katiyakan sa kinabukasan. Paligid na madilim, Mag-isa kong tinatahak. Naghahanap ng liwanag, Naghahanap ng kasagutan. Kung sino man ang nariyan, Aking tinig ay pakinggan,  Ang aking panawagan. Sagipin ang pusong naghihinalo, Bigyang kasagutan ang palaisipan, Na sa aking utak ay di maalis. Saan tutungo? Sinong sasandalan? Aking hiling sa itaas, Puso at isipan ay bigyan kapayapaan. Hanggang kailan ganito? Kaluluwa ay pagod na sa pagpupumilit makaahon sa nadaramang ito. Susuko ba o lalaban pa? Ngunit hanggang saan? Hanggang kailan? Tinig ko sana ay pakinggan.