Hello blog! Eto na naman ako sa pagkwento ng mga pangyayari sa aking buhay. Well, di ko nga alam kung ano pumasok sa isip ko at napa-blog ako ngayon. Siguro sa fact na masakit ang legs ko ngayon at di ako makatulog dahil dito, then isa din dahil ang lamig dito sa kwarto kahit nasa 24 na ang temp ng aircon at ang huli na siguro ay dahil wala akong kasama sa kwarto ngayon. O siguro dahil wala lang akong makausap ng mga nangyari sakin sa araw na to. Bored? Ewan, basta habang nagssoundtrip ako dito, magkkwento nalang ako..... Ayun, so masasabi ko naman na naging productive ang araw ko ngayon. Nagising ako around 8 or 9 ng umaga pero di pa ko kumilos agad, medyo masakit kasi ulo ko dahil sa feasib na ginagawa namin. Nakarating na ko sa school kanina ng mga 10:30? Di ko sure kung anong exact time pero siguro mga ganyang time. Pagdating ko sa room, busy lahat, except syempre ang tropang kulay na parang petiks lang HAHAHA. Anyway, ang tropang kulay daw ang magttropa na may kulay ang buhok ...