Can't seem to understand why some people keeps on asking about the bonuses that the Senate President gave.
Tama ba ko, na may karapatan ang senate president na ibigay ang kahit anong halaga ng pera kung kanino nya gusto sa loob ng senado? Ang pagkakaintindi ko, galing sa sarili nyang pinaghirapan yung halaga ng pera na yun, na imbis pa na gastusin nya para sa kung ano man ang gusto nya, ay ibinigay nya na lang ito sa kanyang mga nasasakupan.
Hindi ba may karapatan naman siya dun sa pera na yun, at wala namang pwedeng magawa ang mga nasasakupan niya sa kung pano niya ipapamigay yon.
Kung iisipin naman diba, di na dapat umangal yung mga nabigyan, sa halip dapat pa silang magpasalamat. Hindi lahat ng tao nakakatanggap ng ganung halaga ng pera.
Bakit masyadong sinisilip ito ng senado? Hindi ba dapat pag-usapan nalang nila kung ano pa yung mas mahahalagang dapat pagtuonan ng pansin sa ating bansa. Sila ang inaasahan ng mga mamamayan para gumawa ng mga batas na para sa kapakanan ng nakararami.
Hindi ba dapat ubusin nila ang oras nila sa pagdedebate at pag-iisip ng mga bagay na kapaki pakinabang sa mga mamamayan. Siguro kung ayaw nilang tanggapin yung ibinigay na bonus sakanila, ibigay nalang sa mga mamamayan diba.
Napakaraming pwedeng mapuntahan ng perang pinagkaloob sakanila, pwede pang idagdag sa pondo ng edukasyon, o di kaya sa kalusugan, sa pabahay at marami pang iba.
Napakaraming problema ng ating bansa na dapat masolusyonan, isa sa mga paraan na mabawasan ang mga problemang ito ay paggawa nila ng mga batas para sa ikauunlad ng bansa.
Sana naman sa darating na eleksyon, ang mga susunod na mahahalal na mga senador ay maiwasan ang mga ganitong sitwasyon. Mas makiramdam sana sila sa mga nangyayari sa paligid, hindi lang kung ano ano ang pinagaaksayahan ng panahon.

Comments
Post a Comment