Ako’y naliligaw, nalulunod, Hindi makahinga. Hindi alam kung saan magsisimula, Walang katiyakan sa kinabukasan. Paligid na madilim, Mag-isa kong tinatahak. Naghahanap ng liwanag, Naghahanap ng kasagutan. Kung sino man ang nariyan, Aking tinig ay pakinggan, Ang aking panawagan. Sagipin ang pusong naghihinalo, Bigyang kasagutan ang palaisipan, Na sa aking utak ay di maalis. Saan tutungo? Sinong sasandalan? Aking hiling sa itaas, Puso at isipan ay bigyan kapayapaan. Hanggang kailan ganito? Kaluluwa ay pagod na sa pagpupumilit makaahon sa nadaramang ito. Susuko ba o lalaban pa? Ngunit hanggang saan? Hanggang kailan? Tinig ko sana ay pakinggan.